Monday, July 02, 2007
Sikret lang natin to.
Wala na talaga ko siguro pag-asa sa programming. Simula first year pa lang ako umaasa na ako sa mga code na nakokopya ko sa mga kaklase ko, sa mga code na bunga ng leakage, at sa mga code na kuha sa internet. Bumagsak ako ng isang programming subject, inenroll ko sa summer at pumasa ko dahil sa paglalagay ng mga code sa iPod ko. Wala na talaga akong pag-asa.

Pati ngayon sa Java, ang simple ng pinagawa sa lab, display the Fibonacci numbers depende sa input, nasa kahulihulihan pa rin ako natapos. At take note, nakopya ko lang yung code sa katabi ko na nangopya ng code sa katabi niya. Meron pa kaming programming assignment, naiisip ko na naman na ipagawa sa aking pinakamamahal na friend na Computer Science major. Ano ba ito, kelan ba ako gaganahan at mutututo sa programming? Sana maging network administrator na lang ako paglaki ko.

 
posted by yhan at 10:32 PM | Permalink |


2 Comments:


  • At 2:16 PM, Blogger cza

    anak ng teteng! last din ako s fibonacci nun at tnuruan pa ako ni james dhil my logic akong d mkuha s code! anak tlga ng...waaah!

     
  • At 4:06 PM, Blogger jeson walalang

    masaya mag java! hehehe! i can help if u want. :D btw, inaayos ko na part 2 ko. sa wakas! lol