Sunday, April 15, 2007
Bago pa ba ang pagkapanalo niya?
Ayoko na sanang magcomment sa pagkapanalo ni Pacman dahil siguradong tulad ko , nauumay na rin kayo sa kanya.

Panalo na naman si Pacman? Ilang Mexicano na ba ang napatumba niya? Si Larios, Velasquez, Barrera, Morales. Ang dami na ah. Pambihira talagang fighter itong s Pacman. Gifted child talaga. Kaya naman, kahit sobrang naiinis na ako sa kanya e napabilib niya pa rin ako sa laban niya kanina.

Hay naku, dahil mayaman na siya, sana naman ay magenroll siya sa Speech Power para naman sa susunod na interview-hin siya in English, e hindi na magnosebleed yun mga tao.

Anyhoo, naawa ako sa mga pinapatumba ni Pacquiao. Pero no choice. Sa pinoy ako. Pride at Dignidan kasi ng mga Pinoy ang nakataya. Kaya kahit winiwish ko na matalo si Pacman, somewhere deep inside hindi ko pa rin magawa na ibenta ang lahi ko. oh db ang taray.

Sa mga Mexicano na ang kagwapuhan, kay Pacquaio naman ang belt!

Labels:

 
posted by yhan at 9:20 PM | Permalink |


0 Comments: