Sunday, April 15, 2007
Sana Accenture na talaga. *cross fingers*
Ang tagal ng pinaghintay namin ng classmate ko para magsimula sa Company M, para lang malaman na sa April 23 pa ang start namin. At nalaman lang namin yun 2 days bago magpasahan ng requirements sa school. Thursday yun.

Kamusta naman un? Kala ko okay na ako. Kala ko meron na akong company na pweedng isagot pag nagtanong ang mga classmate ko kung saan ako magO-OJT. Ang tagal namin hinintay ang go signal ng company M. Un pala, sa wala lang mauuwi ang paghihintay namin. Amp.

Sa wakas, tinawagan ako ng Accenture. Nagpunta ako sa Libran House Friday Morning at binigyan ako ng Medical Referral Slip. Nakipagmeet ako sa classmate ko sa Makati dahil may ipapapirma siya sa supervisor sa company niya. Naisip ko, wala namang mawawala kung magpapaa rin ako ng resume sa company nila. Binigay ko ang resume ako at scheduled ako for interview sa Monday ng 2pm.

Ano na nga ba ang nagyari sa Accenture? Ang sabi ay baka late next week pa daw ako magstart. Hala, baka July pa ako matapos nun. Kaya tinawagan ko sila ulit pagkauwi ko ng bahay nung Friday. Good News! Sabi nung kausap ko , siya na daw ang magiinterview sakin at tatawagan niya daw ako kinabukasan, Saturday, kahapon dapat yun. At pwede na daw akong magstart early nextweek.

Sa sobrang tuwa ko, napatakbo ako sa SM Megamall, para sa Medical sponsored ng Accenture. Wow, ang sarap palang magpamedical ng walang bayad.

Kaso di siya tumawag nung Saturday. Huhuhu. Naghintay ako buong araw kaso di siya tumawag. Kumakabog na naman ang dibdib ko dahil sa sobrang paghihintay. Makakatulog lang siguro ako ng mahimbing pag nagstart na ako magwork. Waaaahh.

Anyways, tatawagan ko na lang sila ulit tomorrow and I hope makastart na ako sa Tuesday para naman matapos ko ung 300 hours na required ng school namin. Bakit ba kasi 300 hours e. Pwede naman 150 lang. Alam naman nilang summer. Buti sana kung isang buong sem yan. haaay. pasaway talag ang sistema ng Pontifical and Royal University. raarrr!!

Wish me luck. sana sa Accenture na nga talaga ko!

Labels: ,

 
posted by yhan at 8:26 PM | Permalink |


0 Comments: