Thursday, April 05, 2007
Maundy Thursday Guilt Trip
Today is Maundy Thursday and feeling ko isa akong masamang Christian.

Umalis kaninang hapon ang mama ko pati kapatid ko para mag-BISITA IGLESIA. Well, hindi ako sumama dahil tinatamad ako at hindi pa ako naliligo nun. Pagka alis nila, naisip kong pumunta ng quiapo para bumili ng Desperate Housewives Season 3.

I think ito ang first year ng holy week na hindi ko mararamdaman. Dati kasi ramdam ko pag holy week, tahimik kasi sa labas pati sarado mga tindahan. walang mga tricycle pati sasakyan. Ngayon nakatira na ako sa third floor ng bahay at hindi rin ako lumalabas. Ever since rin na iparenovate tong bahay, hindi na rin kami nagkaroon ng cable. Hindi na rin ako nahilig sa TV. Ikaw ba naman, channel 7 lang ang panoorin hindi ka kaya maging bobo nun. So ngayon, holy week man o hindi, ganun pa rin dito.

Pero naisip ko pa ring bumili ng DVD. DVD lang ang napapanood namin sa aming napakalaking flat screen tv. haha, tarush. well , hindi naman xa ganun kalaki. =)

So, naligo ako at naisip kong tumuloy sa Quiapo. Pag labas ko ng bahay parang normal na holy week lang, wala masyadong tao sa labas. Konti lang din ang bukas ng shops at tindahan. In short, parang ghost town nga.

Yung jeep na nasakyan ko dumaan sa 4 na simbahan, 5 na kung isasama yung ang Quiapo church.

So habang nagtratravel ako papuntang Quiapo, i was almost crying dahil feeling ko ang sama-sama kong tao. Lahat ng tao na nasa labas ay nag-bibisita iglesia. Families, BF/GFs, Barkada, lahat sila nagsisimba. Ung iba naman nagstay na lang sa bahay nila. Bukod tanging ako lang yata ang aalis ng alas 5 ng hapon para mamili ng DVD sa Quiapo. Naisip ko, bumaba kaya ako ng jeep at magbisita iglesia rin. Pero hindi na siguro. Naka-rubber slippers lang ako pati naka-capri pants. Baka isipin ng mga tao sa palengke ang punta ako at naligaw lang ako sa simbahan. So ayun, derecho na sa Quiapo.

Ang sama ko talaga. Yun yung naiisip ko kanina.

But after kong mabili to...............

And ito....


Ang naisip ko na lang ay kelangan ko ng umuwi agad para maumpisahan ko na panoorin.


I'm not evil right?



NOTICE:
Sa mga humiram ng dvd ko parang awa nyo na ibalik nyo na. hehe.. =p
Dun naman sa humiram ng box set ko ng OTH season 3 na last year pa. sayo na yan, wag mo ng ibalik. sana naging masaya ka sa ginawa mong pangunguha ng hindi iyo. belat ka. =p

Labels:

 
posted by yhan at 7:16 PM | Permalink |


1 Comments:


  • At 7:31 PM, Blogger cza

    wow yhan ngtatagalog ka na! nice nice hehehe