Sunday, October 07, 2007
See You All Next UAAP Season
Oo.Sabay kaming nalungkot ng aso kong si Chiyo habang pinapanood namin ang last two minutes ng Championship Game 2 between DLSU at UE. Gusto ko lang sabihin na lahat na ng kalaban ng La Salle eh sinuportahan ko na. Ateneo, UE at syempre ang aking alma mater na USTe. Tanong, bakit kahit anong gawin ko eh hindi ko talaga magawang suportahan ang team nila? Sagot, dahil sa isang player nila. Oo, magaling siya pero sobrang yabang kasi ng dating niya. Sino ba naman ang may gusto ng player na sobrang laki ng ULO? Ewan ko sa inyo pero pwede naman maging magaling ng hindi lumalaki ang ulo. Tulad ni JV Casio, di ba?

Pero gayun pa man, gusto ko pa ring i-congratulate ang buong DLSU community for winning the championship this season. Hindi biro ang pinagdaanan ng team niyo sa step ladder kaya siguro nga para sa inyo talaga ito ngayon. TAON niyo ito.

Saludo rin ako sa team ng UE dahil ibang klase ang pinakita nilang laban sa buong season. Kaso, gaya nga ng sinabi ko, eh baka hindi lang para sa kanila ang championship ngayon.

Sabi nga ng crush ko eh, 'everything happens for a reason' daw. Hindi ako masyado naniniwala dito pero sige na nga.

Sa ADMU, team ko pa rin kayo sunod sa USTe. haha.

Sa USTe, goodluck next season. Nafefeel ko mababawi natin ang championship. =D

Ito nga pala ang list ng aking top 5 favorite players this season:

1. MVP Jervy Cruz - Sino ba naman ang hindi magugutuhan itong player na ito. Mabait. Humble. at higit sa lahat magaling. MVP nga eh db? Congrats Jervy! You deserve it!

2. Arao - Gusto ko siya dahil magaling siya. =D

3. Borboran - Magaling magaling magaling!! Warrior talaga!

4. JV Casio - Mas favorite to ng sis ko kesa sakin pero GUSTO ko rin siya kasi AYOKO nga sa mga players na malalaki ang ULO. =D

5. Khasim Myrza - Malaki rin ang natulong niya sa pag-angat ng uste sa standings ngayong season 70. Pag-asa ka ng uste. haha. =D

at hindi pa jan nagtatapos. humahabol pa si....

6. Simon Atkins - Wala akong pakielam kung mayabang ka or hindi dahil hindi naman kita masyadong nakikita sa court. Mag-artista ka na lang kaya? Ang cute mo kasi eh. hahahaha =D Sino bang nanay at tatay mo? Bakit ka super cutie? hahaha. =D

So ayan, that concludes this season for me and for my blog. Peace.

PS: For my one million dollar question, sa tingin niyo sino ang sinuportahan ng nanay at tatay ni Coach Franz at Coach Dindo? =D

Labels:

 
posted by yhan at 5:55 PM | Permalink |


0 Comments: