Monday, September 10, 2007
Whatever Happened To Benjamin Abalos Sr.?
Sobrang daming kinasasangkutang issue ni COMELEC Chairman and former Mandaluyong Mayor Benjamin Abalos. Naalala ko pa nung high school ako sa isang science high school, ininterview namin siya sa kanyang opisina sa WackWack para sa isang high school project. For one, super lucky kami nun at siya ang nainterview namin. Sobrang warm ng presence niya at sincere ang kanyang pananalita. Talagang mararamdaman mong leader siya. At hindi niya pinaramdam samin na istorbo kami sa oras niya. Dahil dun, tumaas lalo ang tingin ko sa mga Abalos.

Pero kamusta naman ngayon, nung naging COMELEC Chair siya parang siya na lang lagi ang laman ng balita. Buti sana kung maganda, eh puro katiwalian naman. Slowly, nawala ang respeto ko sa taong ito. Lalo na nung panahon ng eleksyon. Kasagsagan ng mga fabricated election returns at mga biased decisions towards electoral disputes na against sa mga kalaban ng administrasyon.

It's so sad. Meron kang taong binibigyan ng respeto pero madidisappoint ka na lang kasi malalaman mo na hindi pala siya deserving sa respeto na yun. Bihira na lang akong humanga sa mga government officials, madidisappoint pa ko. Sayang.

Virus talaga tong administrasyon. Hinahawahan ng kabulukan ang mga opisyal.

Labels:

 
posted by yhan at 11:29 PM | Permalink |


0 Comments: