I love HK.
NOTE: Minadali ko na tong post na to kaya ganito. hehe.. ;)
Departure20 years old na ako, at unang sakay ko pa lang to sa airplane. Pathetic ba? Flight PR 300 ng PAL ang unang sakay ko at 8 am of May 24 ang scheduled flight namin.
Altitude of 35,000 ft.
Ang seat ko ay malapit sa wing nung eroplano. Nasa may bandang gitna ako ng eroplano at tabi ng bintana. O db? sosyalan ang unang flight ng lola mo. Sabi ng sis ko, nakakatakot daw pag take-off na, nakakalula daw. Well, i'm proud to say na kahit unang take-off ko un, natuwa ako at hindi ako nalula. So, nothing new naman naman sa Pilipinas from up high. Pero nung nakarating na yung eroplano sa hong kong, aba ibang klase. Sabi ko, ano un? bakit ganun? bakit walang bahay, puro tower. siguro bawat isang design ay 6-11 towers. hay naku, naweidrohan naman daw ako dun. anyways, pinaka-amazing moment ko nung lumiko ung eroplano, as in parang movie lang, or sadyang mangmang lang ako .. anyways, super amazing db?
Arrival at HK. Amazing din ang airport ng hong kong, di hamak na mas maganda satin, teka, meron bang mas papangit pa satin? Pag dating namin sa hong kong hinanap namin yung travel & tour agency, so aun, dinala nila kami sa kanya-kanya naming hotel. Tour Guide #1
Jacqueline and name ng unang tour guide namin. Kapag pumunta kau ng hk at siya ang tour guide niyo, aba mag-ingat-ingat na kau. Wag kaung basta-bastang popose sa camera nila dahil racket nila yun. Alam niyo yung pinggan na may picture? Aun ang racket niya, ang mahal kaya nun. 150 hkd or 1000 pesos isang pinggan. 4 na plato ang nabenta niya samin at hindi makapaniwala ang nanay ko na binili niya yun. Although she's probably the best tour guide kasi ang galing niya mag-english and she has a sense of humor like that of the Filipinos. Kaya nga sobrang tawa kami ng tawa sa kanya. Take note, simula airport hanggang hotel hindi siya huminto sa pagsasalita.Tour Guide # 2Si Hang ang second tour guide namin, ok rin siya kasi magaling rin siya magenglish. I think super galing na nila kung marunong silang magenglish kasi mahirap kayang magshift from mandarin to english, from characters to alpahbet. db? So kamusta naman ang lolo Hang mo, aun pinaghihinalaan namin ang kasarian niya. I asked him, "Do you have a girlfriend?" sabi niya "No" sabay tawa. Translate natin sa tagalog ang sinabi niya, "Helleur, chirva kang eklavu ka". haha. Tapos sabi ko "How about a boyfriend?", aba tumawa lang siya. Hindi ko alam kung ano meaning nung tawa na un, kung "hello, ok ka lang, lalaki kaya ako" or " ang galing niya ha, pano niya nalaman".. haha.. Tour Guide # 3Si Charles ang tour guide namin sa Shenzhen, haha,, katawa itong si Charles, ang kulit niya magenglish, tamang laugh trip kami sa english niya. Pano kasi inuulit niya ung sinasabi niya tapos mah "HA!?" sa huli.. haha.. post ko yung sound clip niya sa multiply some other time. hehe..
The Hotel Harbour City - Gateway
Hotel RoomHindi naman gaano kasosyalan anh hotel namin tulad ng The Peninsula, Ritz Carlton or Shangri-la pero super nice pa rin siya. Dun kami nagstay sa Marco Polo Prince Hotel sa Tsim Sha Tsui sa Kowloon. Isa siya sa tatlong Marco Polo Hotel. Ung dalawa ay Marco Polo Hong Kong at Marco Polo Gateway. Yung tatlong hotel ay connected ng isang mall. Lets just say na yung mall ay nasa hotel or yung hotel ay nasa mall. basta. aun. So pag wala kaming magawa stroll stroll muna kami sa mall. Ang name ng mall ay Harbour City Gateway. Nakakatawa kasi super brisk walking kami ng sister ko. Para kaming nagmamarathon sa mall dahil wala kami mapasukan na shop, puro high-end kasi talaga. Lahat ng designer shops andun na. Yung mga brand na nakikita ko lang sa greenhills, meron sila dun. Name it, they have it. haha. Day 1
And itinerary namin sa Day 1 ay sa Victoria Peak sa Hong Kong Island at Ladies Market sa Mong Kok, Kowloon. First stop is Ladies MArket sa Mongkok. Isang street siya na mahaba at puro tiangge. Nakabili ako ng t-shirt and shoes. Aside dun, wala na kami mabili dahil, believe it or not, meron lahat nun sa Divisoria at mas mura pa. Peak Tram
Oveerlooking HK Island
Next and Final stop, Vicotria Peak in Hong Kong Island. We took the Peak Tram para makarating sa taas. Gawwwwwd, the view pare, walang katulad. Overlooking niya ang HK Island, lahat ng tower and building at night makikita mo. Super lamig nga lang kasi nasa mataas na lugar na siya. Take note, foggy dun. hehe.. ;)
All hail the princess.. ;)
Triplets?
Kung akala niyo na sa London, Amsterdam, New York, at Las Vegas lang merong Madam Tussaud's Wax Museum, well meron din niyan sa HK. Dun din siya located sa Victoria Peak. Sobrang enjoy magpicture picture dun kasi parang totoo talaga sila. Sobrang enjoy sa place na yun.
Day 2
Itinerary for today is to go to HK Disneyland. Di ako maxado nagenjoy dahil ang init subra dod. Nangitim na lalo ako. wahaha. Na-enjoy lang namin mamili ng kung anik-anik sa souvenir shop dun. Ang haba ng nilalakad pala dun grabe. Nagpapicture kami kay Mickey and Minnie and Daisy. haha. aun.
Hindi na namin hinintay ang bus ride namin pabalik dahil 9 pm pa , so nagtrain kami from HK Disney to Tsim Sha Tsui and successful naman ang pag tratrain namin. One more place na I suggest sa puntahan niyo ay yung Nathan Road, around Tsim Sha Tsui rin to sa Kowloon, isang stretch siya na street na may mga stores. Bossini, Giordano, Hang Ten, etc. Basically maraming shps, restaurants sa Tsim Sha Tsui. Come on, say Tsim Sha Tsui, hirap no. haha..
Cute ng train, Mickey yung windows!
Day 3
Shenzhen, China ang stopover namin for this day. We took a 45 minute train from Kowloon to China. Layo no? Sa Shenzhen parang Hong Kong din, ang linis super and wala yata akong nakitang bulok na cars, wala ring motorcycle kasi bawal daw sa kanila yun. Nagpunta kami sa Jade shop. Unlike sa iba naming kasama sa trip, hindi kami masyadong namili dun dahil mahal nga siya, and besides pulubi kami pag dating sa HK. hehe. Hindi kasi practical mamili lalo na pag alam mo na mas mura pa sa Pinas.
Napunta rin kami sa Cookie Store, namili kami ng Almond Cookies, Almond Cookies at Almond Cookies. haha, Amazing yung almond cookies, iba-ibang flavor. Lintik, pare-parehas rin naman ang lasa nun, lasang Almond. ;)
Final stop at Windows of the World. They have miniatures ng mga different landmarks sa different countries. Like Eiffel tower, Niagara Falls, Leaning tower of Piza, Pyramids of Giza, Mt. Rushmore, etc.
Day 4
Awww.. day 4 na, so sad, we're leaving na our fabulous hotel room and the fabulous HK. Sinong aalis ng HK ng hindi nagpupunta ng Ocean Park? So ang itinerary for the day is Ocean Park, Hay sa bundok pala located ang Ocean Park and we had to take cable cars just to get from the lowland to the headland. Sa headland kasi ang main attractions so kahit nakakalula, no choice kami. Super ganda naman pag sumakay ka ng cable car dahil overlooking and south china sea.
Umalis kami dun ng 2pm and derecho na kami sa hotel to pick-up our luggages dahil kelangan na namin bumalik ng airport. Umuuulan nung umalis kami sa Ocean Park hanggang pag dating sa airport. So sad dahil babalik na sa realidad sa Manila. :(
Departure from HK
PAL Flight PR 307 ang flight namin at dun kami sa tail ng eroplano nakaupo. as in tail kung tail. At first rough ung byahe kasi nasa tail nga kami and may times pa na mejo umalog un aircarft.. exciting ano? yeps, :) Well, I promised na babalik ako ng HK no matter what!